Board of Inquiry na mag-iimbestiga sa nag-crash na eroplano ni Robredo, kasado na

INATASAN na ni Pangulong Benigno Aquino ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para magsagawa ng malalim na imbestigasyon sa pagbagsak ng Piper Seneca plane na sinakyan ni DILG Sec. Jesse Robredo.

Sinabi ni Department of Transportation and Comnunication (DOTC) Sec. Mar Roxas na inatasan na niya si CAAP Dir. Gen. William Hotchkiss na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa insidente para malaman ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano.

Ayon pa kay Roxas, gusto ng Pangulo na magkaroon ng full blown investigation sa aksidente para matukoy kung ito ba ay human error o technical problem.

Inihayag naman ni Hotchkiss na bumuo na sila ng Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board na pinamunuan ni Capt. Amado Soliman na isang aviation industry expert.

Ilalagay naman ang wreckage ng eroplano sa isang lugar sa Masbate Airport na mahigpit na babantayan ng mga awtoridad.

Kaugnay nito, grounded na lahat ang mga eroplano ng Aviatour Air company habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply