BOC, DOF kinalampag ni VP Binay

KINALAMPAG ni Vice President Jejomar Binay ang Bureau of Customs at ang Department of Finance na ilabas na ang mga nakumpiska bigas para maipamahagi na sa mga biktima ng baha.

Ayon kay Binay, sinulatan na niya si Finance Secretary Cesar Purisima.

Nakiusap si Binay kay Purisima na ipamahagi na lamang ang mga nakumpiskang bigas para matulungan at mapakinabangan ng mga nasalanta ng baha.

Maalala na kinumpiska kamakailan ng BOC ang 420,000 sakong imported na bigas na nagkakahalaga ng P500 million.

Ang mga imported na bigas ay naka-imbak sa mgs bodega sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Ngayon higit na kailangan ng ating mga kababayan ang tulong ng gobyerno para makaahon matapos ang delubyo, sabi ni Binay.

Napakarami ang naapektuhan at nangangailangan ng tulong, dagdag ni Binay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply