BOC: Ukay-ukay ipamamahagi sa flood victims

IPAMIMIGAY na lamang ng Bureau of Customs (BOC) sa mga nasalanta ng baha ang mga nakumpiskang damit o ukay-ukay upang ito ay mapakinabangan.

Ayon kay Commissioner Rufy Biazon, sa ngayon ay kanila nang inihahanda ang nasabing mga gamit na damit upang mai-turnover sa DSWD na siyang mamamahagi nito sa mga biktima ng baha sa Metro Manila at karatig lalawigan at probinsya.

Gayunman, sinabi ni Biazon na ang nakumpiskang mga bigas sa Subic ay hindi maipamimigay dahil patuloy pa itong iniimbestigahan.

Ang aksyon ng BOC ay kasunod ng kahilingan ni Vice President Jejomar Binay nang sumulat ito na humihiling na ipamahagi na lamang sa mga biktima ng kalamidad ang mga nakukumpiskang kontrabando.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply