Bokya ang first international hosting job ni Derek

NAGMISTULANG concert daw ang closing ceremonies ng London 2012 Olympics dahil sa dami ng singers na nag-perform. ‘Yung  sikat ngayon na boy band na One Direction ay umariba sa kantahan at maging si Jessie J. ay kumanta at pati ang naglaho nang Spice Girls ay nabuhay din at marami pang iba.

Pero nakahahambal ang pagkabokya ng Pilipinas sa London 2012 Olympics. Kahit bronze medal ay walang nakuha.

Puro kulelat pa sa laro. Parang mga pastulero na tagabugaw lang ng tupa ang naging papel ng ating mga ipinadalang manlalaro.
Susme!

Siyempre, ano naman ang ire-report ng host ng TV5 na si Derek Ramsay kundi puro bokya. Imagine, first time ni Derek na mag-host ng international event ay naging bugok pa. At ang nakatatawa, abang nang abang ang mga otaw sa kanyang appearance on TV, hindi naman siya ma-sight dahil madaling araw pala siya ipinalalabas at sa Channel 13 pa yata.

Ano ba ang nangyari sa career ng balboning aktor na nag-ilusyong sisikat pa sa nilipatang istasyon? Aba’y para siyang bituing walang ningning. Nung umalis siya sa ABS-CBN ay namumukadkad ang kanyang namesung, ngayon ay zero, as in itlog!
Hahahaha!

***

Engrandeng birthday party ni Ella kinansela para makatulong sa mga biktima ng baha

BAGAMA’T labis na pinananabikan, mas pinili ng “Aryana” lead star na si Ella Cruz na ikansela na lamang ang nauna nang itinakda na magarbong ‘Sweet 16’ birthday para sa kanya. Sa halip na gumastos para sa kanyang gown at iba pang mamahaling bagay, ginawang mas makabuluhan ni Ella ang kanyang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagtulong sa mga Pilipino na nasalanta ng malawakang baha kamakailan.

“Dapat po may big party para sa birthday ko, pero dahil po sa nangyari sa mga Kapamilya natin, naisip ko na lang po na tumulong,” ani Ella. “Instead na gumastos nang malaki para sa party, nag-donate na lang po kami sa mga biktima ng baha at bumili ng relief goods para po mas maraming tao ang mapaligaya ko sa birthday ko.”

Nang tanungin ang primetime princess ng ABS-CBN ng kanyang birthday wish, labis-labis na raw ang sayang nararamdaman niya sa blessings na natatanggap niya ngayon. Aniya, “Naibigay na po ng ABS-CBN ‘yung mga wish ko at kahit ‘yung mga hindi ko po hinihiling ay ibinibigay po nila sa akin. Kaya sobrang nagpapasalamat po ako sa Kapamilya Network dahil tinupad nila ang mga pangarap ko.”

Mistulang maagang birthday gift para kay Ella ang pagkumpirma kamakailan na extended hanggang Enero 2013 ang kanyang top-rating fantaseryeng “Aryana.”

“Hindi ko po talaga inaasahan na mae-extend po ang ‘Aryana’ at mamahalin po kami ng tao nang ganito kaespesyal. Super thankful po talaga ako sa lahat ng sumusuporta at sumasama sa paglangoy ni Aryana,” pahayag ni Ella.

Samantala, tulad ng busy showbiz career ni Ella, patuloy din ang sunod-sunod na maiigting na tagpo sa buhay ni “Aryana” ngayong malapit na siyang mapunta sa mga kamay ni Neptuna (Desiree del Valle). Paano magbabago ang buhay ni Aryana kapag napunta siya kay Neptuna? Makababalik pa ba siya sa kanyang pamilya? Ano ang gagawin ni Ofelia (Pokwang) para mabawi si Aryana sa taong nagbigay sa kanya ng sumpa?

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.  

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply