BOR meet ng PUP sa CHEd, sinugod ng mga iskolar ng bayan

NAGSAGAWA ng kilos protesta mga iskolar ng bayan mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) sa harap mismo ng Commission on Higher Education (CHEd) habang isinasagawa ang Board of Regents (BOR) Meet ng nasabing unibersidad kaninang umaga.

Dala ang mga plakards at mga bandila ng ilang mga progresibong organisasyon ng PUP, alas 10:30 ng umaga ay sinugod ng mga estudyante ang tanggapan ng CHEd.

Ayon kay Student Regent Helen Claire Alfonso, tanging representante ng mga estudyante sa BOR, pangunahing agenda ng BOR Meet ay ang usapin ukol sa merging ng mga kolehiyo sa nasabing unibersidad.

Nagsama-sama ang ilang mga representante mula sa iba’t ibang kolehiyo at ilan pang miyembro ng mga organisasyon ng nasabing unibersidad upang kondenahin ang merging ng mga kolehiyo.

Nagkaroon ng  mga pananalita mula sa bawat representante ng mga kolehiyo at organisasyon kasabay ang palagiang pagsasagawa ng noise barrage.

Samantala, ayon naman kay Raven Desposado, presidente ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral ng PUP, tuntungan ang merging na ito sa balangkas ng programa ng CHEd na Roadmap on Public Higher Education Reform na isa sa layunin ay paliitin ang bilang ng mga State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply