Botohan ng JBC, kukuwestyunin sa SC

MAAARI umanong makwestyon sa Korte Suprema ang resulta ng magiging botohan ng Judicial and Bar Council kaugnay ng isusumiteng shortlist ng mga nominado sa pagka-Punong Mahistrado.

Iyan ang paniniwala ni Atty. Marlon Manuel ng Alternative Law Group at Supreme Court Appointments Watch.

Sa isang forum sa Lungsod ng Maynila, sinabi ni Manuel na maituturing kasing “under trial” ngayon ang JBC dahil kinukwestyon ang komposisyon nito.

Bukod sa kinatawan ng Kongreso, kinukuwestiyon din ang pag-preside ni Justice Diosdado Peralta sa JBC at ang pag-upo ni Undersecretary Michael Frederick Musngi.

Naniniwala naman si Manuel na maaari pa ring ituloy ang botohan kahit pa magmatigas ang Kongreso na huwag munang magpadala ng kinatawan.

Sa kabila nito, umaasa naman si Manuel na magpapasya ang Korte Suprema sa kaso ng JBC composition sa paraang kapaki-pakinabang sa buong bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply