Botohan sa RH bill, hindi pa tagumpay – Lagman

BAGAMA’T ikinatuwa ni Albay Rep. Edcel Lagman, may-akda ng Reproductive Health Bill, ang terminasyon ng debate sa Kamara ay sinabi niyang hindi pa ito maituturing na tagumpay para sa mga nagtataguyod ng panukala.
Malaki ang paniniwala si Lagman na marami pa umanong proseso na kahaharapin ang panukala.

Paliwanag pa ni Lagman na makaraang tuldukan ang debate, ang susunod na hakbang ay pagbabago o pagsisingit ng mga amendment sa RH bill na tiyak umanong magiging mabusisi at madugo.

Siniguro ni Lagman na hindi lamang ang mga taong simbahan ang makakabangga, dahil nariyan din daw ang kanyang mga kapwa kongresista na hindi titigil na kontrahin ang RH bill.

Sa naganap na botohan sa Kamara para tuldukan na ang debate sa RH bill ay pumabor din sa hakbang na ito si An Waray Partylist Rep. Florencio “Bem” Noel na kilalang anti-RH bill.

Giit pa ni Noel na gusto rin niyang umusad ang panukala dahil matagal nang panahong pinag-uusapan ito sa Mababang Kapulungan.

Nangako naman, aniya, ang mga pro-rh bill solons na tatanggapin ang mga amendment na ilalatag ng mga anti-RH congressmen.

Samantala, nilinaw ni House Speaker Feliciano Belmonte sa mga nagsi-almang kongresista dahil sa maagang botohan sa pagtigil ng debate na mismong ang anti-RH solon na si Paranaque Rep. Roilo Golez ang unang nagsulong na gawin ng Lunes ang botohan matapos ang pulong sa Malakanyang.

Aniya, hindi pa naman merito ang pinagbotohan kahapon, kundi terminasyon lamang ng debate.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply