Botohan sa shortlist ng CJ post, ipinagpaliban sa Agosto 8

IPINAGPALIBAN ng Judicial and Bar Council ang botohan sa Agosto 8 sa isusumiteng shortlist kay Pangulong Aquino para sa susunod na Punong Mahistrado ng Korte Suprema .

Ayon kay Supreme Court Spokeperson Gleoresty Guerra gaganapin ang botohan sa Agosto 8, araw ng Miyerkules ganap na alas 11:00 ng umaga.

Ang pagpapaliban, aniya, ng botohan ay upang bigyan ng panahon ang kinatawan ng Kongreso na pag-aralan mabuti ang kwalipikasyon at ang rekords ng interview sa mga kandidato.

Sinabi ni Guerra na si Senator Francis “Chiz” Esudero, miyembro ng JBC ay wala noong live interview ng 20 kandidato para sa CJ post aspirant.

Gayundin, absent din, aniya, si Iloilo Rep. Niel Tupas Jr. sa huling araw ng public interview.

“Senator Escudero made a motion [to defer the deliberations] and this was concurred in by Cong. Tupas and the other members also agreed to grant the motion,” ayon kay Guerra.

Una nang kinuwestyon ng dating Solicitor General Frank Chavez ang komposisyon ng JBC kung saan isa lamang ang kailangan na kinatawan ng Kongreso na kalaunan ay pinayagan na rin ng Korte Suprema na manatili sina Escudero at Tupas sa konseho.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply