Brgy. tanod niratrat, tigok

TODAS ang isang barangay tanod nang pagbabarilin ng tatlong hindi pa kilalang mga suspek habang ang una ay dala ang patrol tricycle sa Malabon City kaninang madaling araw.

Dead on the spot si Arnold Lacbayo, 34 ng Aresity, Tinajeros ng lungsod dahil sa mga tama ng bala sa katawan

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw, dala ng biktima ang tricycle patrol at habang binabagtas ang Bignay Road, Potrero ng lungsod ay pinagbabaril ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang mga suspek.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pamamaril.

Samantala, patay din ang isang binata nang barilin ng hindi pa kilalang suspek habang naglalaro sa bingguhan sa Malabon City kagabi (Agosto 29).

Dead on the spot si Karl Lanz Lorenzo Ignacio, nasa hustong gulang ng C. Arrelano St., Concepcion ng lungsod, sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi, nakarinig ng putok ng baril ang mga naglalaro sa loob ng Electronic Bingo sa Sea Front Building sa M. Naval, North bay Boulevard South ng lungsod.

Nang tignan ang pinagmulan ay nakitang duguang nakabulagta ang biktima.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang bumaril sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply