BRP EDSA, balik Maynila na matapos ang SAR kay Robredo, 2 piloto

NAKABALIK na sa Maynila ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na BRP EDSA matapos ang matagumpay na paghahanap sa mga labi nina DILG Sec. Jesse Robredo at dalawa pang piloto at bahagi ng eroplanong bumagsak sa karagatan sakop ng Masbate.

Maging ang mga tauhan at diver ng PCG ay balik normal na rin ang kanilang duty.

Ayon kay PCG Spokesman Lt. Commander Armand Balilo, isasailalim na sa regular maintenance check ang sasakyang pandagat.

Sa kabila naman ng ilang araw na babad sa tubig ang mga diver ay nasa maayos naman ang kondisyon ng kanilang kalusugan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply