BuCor: Kidnap story ni Go ‘di kapani-paniwala

HINDI naniniwala ang pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) na dinukot ang high-profile inmate na si Rolito Go sa loob mismo ng National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay BuCor Director Gaudencio Pangilinan, mahirap paniwalaang kinidnap mula sa mismong compound ng NBP si Go kasama ang pamangking nurse nito na si Clemence Yu at mas higit na kapani-paniwala na ito ay isang demolition job sa opisyal ng NBP.

Malamang na may plano si Go na hindi na bumalik sa kulungan dahil malapit na rin itong lumaya.

Una nang nabalitang nawawala si Go sa kulungan noong Martes ng gabi at kahapon ay sinabi ng pamilya nitong pinatutubos siya sa halagang P1 milyon ng mga umano’y kidnapper nila.

Nabtid sa ulat na si Go at pamangkin nito ay pinalaya ng mga kidnapper sa Batangas at sumakay ng bus patungong Alabang at dinatnan doon ng mga pulis at kaanak.

Inaasahang maite-turn over si Go sa BuCor upang makapagsagawa ng sariling imbestigasyon sa pangyayari.

Samantala, dahil sa nangyari, maaaring maudlot ang pagkakaloob sana ng parole kay Go na malapit na sanang makalaya dahil sa magandang asal na ipinakita sa loob ng bilangguan.

Sa oras na mapatunayan na hindi totoo ang kidnap story ni Go ay maaaring makasuhan siya ng NBP ng evasion of service of sentence.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply