Budget ng DFA pinadadagdagan ni Drilon

IREREKOMENDA ni Senador Franklin Drilon sa Kongreso na dagdagan ang budget ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa susunod na taon (2013).

Ginawa ng senador ang kanyang pahayag matapos marinig kay DFA Secretary Albert del Rosario na marami sa kanilang mga consular office ang walang disenteng opisina.

Sa pagdinig ng Senate committee on finance na pinamumunuan ni Drilon, nadismaya ang senador matapos marinig ang pahayag ng kalihim.

Ayon sa senador, ang increase budget na kanyang inirerekomenda ay para lang sa consular office ng DFA.

Sa ngayon ay may 60 Embahada at 20 consulate Generals office ang DFA sa buong mundo na kanilang inuupahan ng kabuuang P600 milyon bawat taon.

Samantala, inaprubahan naman ng Komite ang 2013 budget ng office of the president na 2,7 bilyon gayundin ang P330.063 million ng presidential management staff at P35.47 million ng presidential legislative liaison office.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply