Buhay na sanggol itinapon sa basura

PASAY City- Buhay pa nang matagpuan ang isang pitong buwang sanggol na lalaki na itinapon sa basurahan sa lungosd kagabi.

Pilit na isinasalba ang buhay ng sanggol at nilalapatan ng lunas sa San Juan de Dios Hospital, pero nalagutan ng hininga sa naturang pagamutan dakong alas:9:52 kagabi.

Sa record ng ospital, ang sanggol ay buhay na isinugod ng isang nagngangalang Mars Sevilla ng Baclaran, Paranaque City.

Sa imbestigasyon SPO2 Marianito Pata Jr.may hawak ng kaso Homecide Section ng Pasay City Police  alas:9:35 ng gabi nang matagpuan ni Mars Sevilla ang sanggol sa isang basurahan na gumagalaw at umiiyak pa sa kahabaan ng Quirino Avenue sa Paranaque City.

Nabatid na ang bata ay kumikislot-kislot pa ng makita sa basaruhan na itinapon sa kasagsagan ng ulan.

Pansamantalang nakalagak sa naturang pagamutan ang pitong buwang gulang na sanggol habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad upang matukoy kung sino ang mga magulang nito at kung sino ang nag-abandona dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply