Buhay ni Robredo tatalakayin sa mga paaralan ngayon

BILANG pakikiisa sa pagluluksa at pagbibigay pugay kay DILG Sec. Jesse Robredo sa araw ng kanyang libing, tatalakayin ngayong araw sa lahat ng paaralan sa bansa ang naging buhay nito.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, nagpamahagi sila sa buong  regional directors ang modules na binuo ng DepEd Region V na naglalaman ng buhay ni Robredo mula noong mag-umpisa bilang alkalde ng Naga hanggang sa naitalagang Interior Secretary.

Ito ay upang maintindihan ng mga mag-aaral ang pagluluksa.

Sinabi pa ni Luistro, mahalagang maintindihan umano ng mga mag-aaral ang pagluluksa ng bansa sa biglaang pagkamatay ni Robredo.

Ito rin ay upang magsilbing ehemplo sa mga mag-aaral ang naging buhay at dedikasyon sa trabaho ng yumaong kalihim.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply