Bukidnon riders bumida sa Shell Advance UKC

LAKING galak ng mga Bukidnon underbone riders nang muling dumalaw ang Shell Advance at RACE Motorsports Club sa bayan ng Valencia bilang bahagi ng Visayas leg ng 2012 Shell Advance Underbone Kings Challenge.

Tinalo ni Roland Pacino ang ilang riders sa pagtala ng pinakamabilis na oras sa time trials kung saan ang kanyang rekord ay 121.51s. Sinundan ito ng 123.01s ni Felix Flores at ang 131.31s ni MC Lyn Oro.

Nagkaroon rin ng kumpetisyon para sa pinakaastig na disenyo ng motorsiklo- isang hanay para sa Open motorcycle/scooter (maaaring modified o hindi), at isang hanay para sa Stock motorcycle/scooter (hindi pa naayos o napalitan ang ilang parts).

Ang top 3 parasa Best Dressed-Open category ay sina Tristan Apatt (1st), Manuel Macail (2nd), at Rey Joenam Posadas (3rd). Para naman sa Best Dressed-Stock category, ang nagwaging grand crash prize ay si Jaime Merinilio; nakuhang rider nasi Dwight Limbo ang ikalawang pwesto at sa ikatlo naman ay si Rommel Donaire.

Maliban sa mga libreng Shell Advance oil at iba pang freebies gayang sombrero at keychain, umabot sa P17,000 ang ipinamigay na kwartang papremyo noong araw na iyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply