‘Bulldogs susuwagin ng Tamaraws’

MAKIKILATIS na kung tatagal ang tigas ng sungay ng Far Eastern University Tamaraws sa matibay at matalas na ngipin ng National U Bulldogs.

Magkikita ang Tamaraws at Bulldogs sa 75th UAAP men’s seniors basketball tournament sa alas-4 ng hapon sa Araneta Coliseum.

Pakay ng last year’s runnerup FEU na suwagin ang panglimang sunod na panalo upang manatiling malinis at solohin ang top spot ng team standing.

Habang ang reigning 2012 Flying V preseason ruler NU ay nais sagpangin ang ikatlong panalo sa limang laro upang pagandahin ang kanilang karta.

Huhugot ng lakas si Tam coach Bert Flores kay UAAP Press Corps Player of the Week Terrence Romeo habang si Bulldog coach Eric Altamirano ay sasandal kay reigning MVP Bobby Ray Parks Jr.

Samantala, sa unang laro na mag-uumpisa ng alas 2 ay balak dagitin ng defending champion Ateneo Blue Eagles ang University of the Philippines Fighting Maroons.

Ipoposte ni Blue Eagle coach Norman Black si 7-foot-0 Greg Slaughter upang mapalakas ang tsansang pumasok sa Final 4.

May 3-1 win-loss slate ang Blue Eagles habang 0-3 karta ang Fighting Maroons.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply