Bumaril sa PMA cadet, 1 sa 3 kilabot na holdaper

HINIHINTAY na lamang ng pulisya na lumabas sa kanilang pinagtataguang lungga para mahuli ang bumaril sa isang graduating student ng Philippine Military Academy (PMA) sa naganap na robbery hold-up sa loob ng pampasaherong jeep nitong nakaraang Sabado sa Fairview, Quezon City.

Sa maraming bilang ng mga holdaper sa lungsod, tatlo na lamang na kilalang mga holdaper ng pampasaherong jeep ang pinagpipilian ni P/Supt. Virgilio Fabian, hepe ng Fairview police station na bumaril sa biktimang si PMA cadet Alfonso Aviles.

Hindi naman ibinunyag ni Fabian ang pagkakakilanlan ng tatlong suspect pero ang isa sa kanila ay tinutugis na kanyang mga tauhan sa Caloocan City habang ang dalawa naman ay madalas na nag-ooperasyon sa QC.

“We expect that they will lie low after Saturday’s heist but we are on to them,” pahayag ni Fabian at idinagdag na siguradong aatake ulit kapag nagutom.

Hihintayin lamang nilang lumutang ulit ang mga suspect at saka nila bubuntutan hanggang sa mahuli at kapag maayos na ang kondisyon ni Aviles ay ipapakita nila rito ang kanilang nahawla.

Sa kasalukuyan, nagpakita na ng good vital sign si Aviles matapos itong operahan sa ulo sa AFP Medical Center sa V. Luna QC para tanggalin ang balang tumama dito.

Maalalang nakipagbuno si Aviles, 23-anyos sa isang holdaper sa isang pampasherong jeep sa kanto ng Mindanao Avenue noong nakaraang Sabado.

Kinuha ng suspect ang PMA bull ring nito bago tumakas at ito ang maaring maging susi ng pulisya para mahuli ang suspect dahil isasangla nito ang naturang singsing kapalit ng pera.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply