Buntis dinukot, paulit-ulit na ginahasa

NAGWAKAS na ang mapait na kalbaryong sinapit ng isang buntis, baby sitter, na dinukot at paulit-ulit na ginahasa matapos makatakas sa kamay ng maniac na suspek Calaoocan City.

Kinilala ang biktima na si Maria Ocampo, 29, (di tunay na pangalan) buntis at residente ng Minuyan Road 1 San Jose Del Monte Bulacan.

Arestado at nahaharap sa kasong rape with serious illegal detention, frustrated homicide at illegal possession of firearm arms and ammunation ang suspek na si Malic Marujon, y Amatonding, 27, may asawa, tubong Kinapawan City, Cotabato at naninirahan sa Phase 12 Tala Brgy.188, Caloocan.

Sa ulat ni Chief Insp. Ronald Perella, commander ng Northern Extention Office ng Caloocan police, dakong alas 7:30 ng umaga kahapon ng makatakas ang biktima at agad nagsumbong sa pulisya.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ni C/Insp. Perella sa bahay na pinagkulungan sa biktima subalit hindi madali ang pag-aresto dahil sa nalaban ang suspek kumg saan tinamaan sa leeg si P02 Anastacio Aseo .

Nabatid na dinukot ni Malic si Maria noong nakaraan July 21, 2012 at itinago ikinulong sa kanyang bahay sa loob ng 12 araw at paulit pulit na pinag-parausan .

Napag-alaman pa pwersahan pinapagamit ng shabu ang biktima bago isagawa ang panghahalay at kapag tumanggi ay sinasaktan pa .

Kahapon matapos makatakas sa kamay ng suspek, si Maria ay agad nagsumbong sa mga awtoridad.

Sa isinagawang pagsalakay ng awtoridad sa tirahan ng suspek nakumpiska dito ang isang 12 guage shot gun na may bala, ngunit walang maipakitang kaukulang dokumento.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply