Buntis na-hit-and-run, todas

DEAD on arrival sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) ang apat na buwang buntis makaraang ma-hit-and-run sa Leyte, Tacloban City kagabi.

Nabatid na papauwi na ang biktima na si Sherly Lagarde, 24, residente ng Brgy. Bairan, San Miguel, Leyte kasama ang kanyang asawa at isang anak nang mabunggo ito ng isang motorsiklo.

Nagtamo ang biktima ng matinding sugat na ikinabiyak ng kanyang ulo na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Samantala, kaagad na tumakas ang driver ng motorsiklo patungo sa bahagi ng sakahan.

Dahil dito, umaapela ngayon ang mga kaanak ng biktima na sumuko na ang suspek at panagutan ang krimeng ginawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply