Buntis patay, anak sugatan sa lasing

KASAMANG nasawi ng buntis ang sanggol sa sinapupunan habang sugatan ang 4-anyos na anak na babae matapos pasukin at pagsasaksakin ng lasing na kalugar sa Valenzuela City Sabado.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Rachelle De Guzman, 24, apat na buwan buntis ng Candido cmpd., Ugong ng lungsod.

Ginagamot naman sa Valenzuela General Hospital sanhi ng saksak sa katawan si Jennylyn, 4 anyos, ng nasabing lugar.

Nadakip naman si Robert Cedansa, 31 at kalugar ng mga biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-4 ng madaling araw, umalis ang asawa ni Rachelle na si Ronnie upang pumasok sa trabaho bilang matadero kung saan makalipas ang ilang sandali ay pumasok naman ang lasing na suspek.

Walang salitang pinagsasaksak ng suspek ang mag-ina bago tumakas subalit nadakip sa isinagawang follow-up operation habang dinala si Jennylyn sa Valenzuela General Hospital.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply