Burol ni Robredo, bukas sa publiko – Palasyo

BUKAS sa publiko ang pagsilip sa kabaong ng namayapang DILG Secretary Jesse Robredo na ibuburol sa Kalayaan Hall, Malakanyang simula bukas, Agosto 24.

Magsisimula ang public viewing ng alas-7 ng gabi na tatagal lamang ng hanggang alas-11 ng gabi.

Ayon kay Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Undersecretary Manuel Quezon III, gagamitin ng mga ordinaryong mamamayan na makikiramay sa pamilya Robredo ang Gate 7, ang Gate 6 naman ay para sa mga kaibigan at kamag-anak ng Kalihim habang ang Gate 4 naman ay gagamitin para sa mga magbibigay ng donasyon gaya ng pagkain at bulaklak.

Aniya, walang dress code ang ordinaryong Juan dela Cruz na nais na makita sa huling sandali si Sec. Robredo kaya’t hindi dapat mailang ang bawat isang filipino na nais na makiramay sa pamilya Robredo.

Sa kabilang dako, muling ipinaalala ni Usec. Manolo ang pakiusap ng biyuda ni Sec. Robredo na si Atty. Leni Robredo na kung may magbibigay ng donasyon sa kanya at sa kanyang pamilya ay mangyaring ibigay na lamang sa foundations na kapuwa tinutulungan ng namayapang Kalihim.

Ito ay ang Physicians for Peace Philippines Inc.,lalo na iyong Walking Free and Resource Center for the Blind programs kung saan aniya ay ang contact person ay si Dr. Josephine Robredo – Bundoc habang ang pangalawang charity ay ang Missionaries for the Poor at ang Project Jose.

“Sa mga nagnanais pa ring magpadala ng bulaklak sa Malacañang, pwede niyo po ito ipadala sa Gate 6 simula ng umaga ng Biyernes, August 24. Ang buong schedule po na ito at kung ano pa ang magiging updates ay ipo-post doon sa Official Gazette website: www.gov.ph/salamatjesse/the-wake/.,” ayon sa opisyal.

Nauna rito, inilatag naman ni Usec. Manolo ang mga aktibidades na magsisimula ngayon, Agosto 24, 2012, sa pagdating ng mga labi ni yumaong Secretary Robredo sa Kalayaan Hall, Malacañang Palace.

Sinabi ni Usec. Manolo na tatanggapin ng Pangulong Aquino at ng kanyang pamilya ang labi ni Secretary Jesse M. Robredo na ibuburol nga sa Kalayaan Hall hanggang Linggo subali sa Linggo ng umaga ay agad na ibabalik ang labi ng Kalihim sa Naga City.

Tinuran pa rin ng opisyal na mula 7:45 a.m. to 9:00 a.m. ngayon, Agosto 24 August 2012 ay dadalhin ang mga labi mula Archbishop’s Palace sa Pili o Naga Airport. Doon aniya gaganapin ang departure honors sa Archbishop’s Palace, kung saan ay pangungunahan ito ng PNP. Ang commander or tinatawag na police host aniya dito ay ang PNP regional director. Magkakaroon ng six honorary pallbearers na aatasan ng pamilya.

Ang ruta aniya ng dadaanan ng mga ito ay Crown – San Francisco – Peñafrancia – San Felipe – Balatas – Cararayan – Del Rosario – Pili.

Mula 9:00 a.m. to 10:30 a.m. ay ang paglilipat ng labi mula Pili Airport patungong Villamor Airbase, Metro Manila. Magkakaroon aniya ng departure honors sa Naga Airport na pangungunahan pa rin ng PNP. Bibigyan pa rin siya ng arrival honors sa Villamor Airbase na pangungunahan naman ng Armed Forces of the Philippines.

“At this point, ang military host ay ang Philippine Air Force commanding-general. Honorary pallbearers para sa seremonya sa Villamor at sa Palasyo, anim: Secretary Florencio Abad, Secretary Manuel Roxas II, Representative Jun Abaya bilang kinatawan ng partido Liberal, Harvey Keh bilang kinatawan ng Kaya Natin movement, Alice Murphy bilang kinatawan ng mga urban poor groups, at Joan de la Cruz-kinatawan ng DILG,” anito.

Inihayag pa rin ng opisyal na mula 10:30 hanggang 11:00 ang paglilipat mula Villamor Airbase patungong Malacañang Palace. Ang Departure honors ay ibibigay sa Villamor Airbase ng Armed Forces of the Philippines. Ang escort mula sa Villamor patungong Palasyo ay ibibigay ng Presidential Security Group. Ang arrival honors sa Palasyo ng Malacañang ay pangungunahan ng PSG.

At ang ruta, aniya, ay Villamor Airbase – NAIA Road – Roxas Boulevard – Padre Burgos Street – Finance Road – Ayala Boulevard – Ayala Bridge – Solano Street – Malacañan Palace.

“Mula 11:00 to 12:00 noon ang seremonya na gaganapin at pamumunuan ito ng Pangulo sa Malacañang Palace kung saan dadalhin ang kabaong at ibaba mula doon sa karo ng patay at walong casket bearers from the Armed Forces at anim na honorary pallbearers—‘yung nabanggit na natin. Pagkatapos nito arrival honors led by the President to be rendered for the late Secretary including 19-gun salute. Pagkatapos nito ‘yung casket ay dadalhin sa Kalayaan Hall kung saan gaganapin ‘yung lying-in-state hanggang Linggo ng umaga. Mula 1:00 p.m. to 3:00 p.m. ay magkakaroonng memorial service na ang sponsor ay ang Department of Interior and Local Government, attached agencies, and local government leagues. Mula 3:15 p.m. to 4:15 p.m. memorial service to be sponsored by urban poor groups. Mula 4:30 p.m. to 5:30 p.m. memorial service to be sponsored by Kaya Natin movement.Mula 6:00 to 7:00 p.m. naman ang misa,” litaniya ni Usec. Manolo..

Habang, bukas, araw ng Sabado, Agosto 25 ay ang iskedyul ay mula 8:00 a.m. to 5:00 p.m. public viewing. Dito po bukas ang Palasyo, ulitin po natin, Gate 7 ang papasukan ninyo para sa publiko na nais makiramay. At mula 6:00 p.m. to 7:00 p.m. public mass. Bukas din po ito para sa publiko na nais makisama sa pag-aalay ng banal na misa. Pagkatapos po nito magwawakas ang bahagi kung saan open ito sa publiko dahil mula aniya 7:00 to 8:00 magkakaroon ng memorial service sponsored by the Liberal Party of the Philippines at pagkatapos aniya ay mula 8:15 p.m. to 10:00 p.m. memorial service sponsored by the Cabinet.

Habang sa araw naman ng Linggo, Agosto 26 ang iskedyul ay:

Mula 6:00 a.m. to 7:00 a.m. ay magkakaroon ng departure honors na pangungunahan ng Presidential Security Group sa Kalayaan Hall, Malacañang Palace. Kasama na rin aniya rito ang 19-gun salute at ang paglilipat mula Malacañang patungong Villamor Airbase.

“Sa Villamor Airbase, departure honors to be rendered by the Armed Forces of the Philippines doon sa Villamor—pareho din ang mga honorary pallbearers katulad ‘nung Biyernes. Ito po ang route na dadaanan sa linggo:Malacañan Palace – J.P. Laurel Street – Nagtahan Bridge – Quirino Avenue – Osmeña Highway – Skyway – Villamor Airbase ayon kay Usec. Manolo sabay sabing “At pagkatapos po nito transfer from—pagdating po sila sa Naga—transfer from Pili or Naga Airport to the Naga City Hall. Meron pong escort from Pili, Naga Airport to Naga City Hall na ipo-provide ng PNP. Arrival honors ay ire-render sa Naga Airport upon arrival at sa Naga City Hall upon arrival. Magkakaroon ng honorary pallbearers na ia-assign ng pamilya Robredo.”

Samantala, sa Lunes, Agosto 27, 2012 ang mga aktibidades ay:

Mula 8:00 a.m. to 10:00 a.m. ay ang paglilipat ng mga labi mula Naga City Hall patungong Basilica Minore de Nuestra Señora de Peñafrancia. Agad na susundan ng PNP departure honors sa Naga City Hall kung saana ng magiging ruta ay mula City Hall – Miranda Avenue – Panganiban – Diversion – Tabuko – Gen. Luna St. – left to Abella – Bayawas St. – Sta. Cruz Proper – at pagkatapos ay dadaan sa likod ng Alfonso – Queborac – Basilica.

Sa Naga City aniya ay may magaganap na PNP arrival honors sa pagdating sa Basilica at muli ay magkakaroon ng honorary pallbearers na ide-designate ng pamilya.

Sa pagwawakas, sa Martes, Agosto 28, 2012 ay:

Ang iskedyul ay magkakaroon ng Funeral Mass ng alas-10 ng umaga. Pagkatapos po nito, ang tantya natin ay mga alas-onse ng umaga, doon po magsisimula ang mga seremonya para sa state funeral. Ang magsisimula po dito ay ang response ng pamilya pagkatapos ng misa. Ang susunod po dito ang eulogy na ide-deliver ng Pangulong Aquino. Pagkatapos po ng eulogy na ito, ang casket ay ilalabas sa simbahan o sa basilica ng mga pallbearer na in-assign ng pamilya with accompanying departure honors and a 19-gun salute rendered by the AFP.

At kapag naisakay na aniya ang casket sa tinatawag na caisson, ay agad na susundan ng funeral cortege patungong Funeraria Imperial.

“May kasama pong military band and the participation of the Philippine National Police. Doon po naman sa Funeraria Imperial, pagdating doon, there will be a three-volley salute given by a company of 21 soldiers followed by the playing of taps. Pagkatapos po nito, the national flag will be taken off the casket, folded and presented to the widow by the President. Ito pong bahagi kung saan iaabot ng Pangulo ang watawat sa byuda ay ang pagwawakas ‘nung state funeral. Pagkatapos po nito, ang remains ni Secretary Robredo ay ipapasok doon sa Funeraria Imperial para sa cremation. Pagkatapos po ng cremation, ang PNP ay magbibigay ng escort para sa pamilya as they undertake the private interment of the ashes,” pagtatapos ni Usec. Manolo.

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply