Burol sa Naga City tuloy kahit nasa Malakanyang ang labi ni Robredo

WALA man ang labi ni DILG Sec. Jesse Robredo sa lungsod ng Naga subalit hindi pa rin natinag ang mga kababayan nito at ipinagpatuloy ang mga kanilang vigil.

Magdamag na nagtitipon ang mga taga-suporta at nagmamahal sa dating alkalde ng Naga sa Plaza Quezon upang magsagawa ng programa.

Liban sa pagsasagawa ng vigil nagkaroon ng mga palabas na ang laman ay ang lahat ng talumpati ng kalihim.

Sa panayam sa barangay chairman na si Baldemoro ng Barangay Concepcion Grande, sinabi nito na layunin nila na masariwa muli sa isipan ng mga tao ang mga nagawa ng dating alkalde.
Nagkaroon din presentasyon ng mga collection of pictures ng opisyal at malalaking banner.

Dinayo rin ng ilan ang libreng free printing sa mga t-shirt sa mga nais na maalala ang kalihim sa tuluyan na nitong pamamaalam.

Samantala, handa na ang awtoridad at opisyal ng lokal na pamahalaan ng Naga sa muling pagbabalik ng mga labi ng kalihim bukas ng umaga.

Inaasahang muli ang pagdagsa ng maraming tao sa Naga City People’s Hall sa City Hall sa pagbubukas nito sa publiko.

Ngayon pa lang nailatag na ang mga ilang programa na isasagawa sa burol ng kalihim bago tuluyang ihatid sa kanyang huling hantungan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply