Bus at tanker nagsalpukan, 35 patay

TINATAYANG 35 katao ang namatay makaraang sumalpok ang isang bus sa tanker sa  Yanan, Shaanxi, China.

Batay sa  ulat ng Xinhua News Agency, tatlo lamang ang ligtas sa naganap na banggaan kagabi sa Baotou-Maoming motorway.

Sumabog umano at nagliyab ang dalawang sasakyan makaraan ang salpukan.

“Soon after the collision, the bus was engulfed by flames,” ayon sa lokal na opisyal ng pulis na si Yue Jiuxiang.

Matinding pinsala ang natamo ng isang bus kung saan maraming pasahero nito ang tulog nang mangyari ang aksidente.
Patungo sanang Xian, kapital ng probinsya ang bus mula Inner Mongolia.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply