Bus binomba sa Zambo City: 7 sugatan

SUGATAN ang pito katao nang pasabugan ang isang Rural Transit bus sa Barangay Guiwan, Zamboanga City, kagabi (Agosto 16).

Sa ulat sa telebisyon, agad na dinala sa ospital ang mga biktima na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Nawasak naman ang likuran ng naabing pampasaherong bus.

Hinala ng pulisya, sa likod ng bus inilagay ang hindi pa matukoy na pampasabog.

Makalipas ang dalawang oras, isang panibagong pagsabog ang naganap sa tabi ng isang eskwelahan sa Sutterville, Zamboanga City.

Wala namang naitalang nasugatan sa naturang pagsabog ng hindi pa mabatid na bomba.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtorida sa magkasunod na pambobomba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply