Bus sinalpok ang kotse sa QC

NAWASAK ang likurang bahagi ng isang kotse matapos salpukin ng isang rumaragasang bus kaninang madaling araw sa Quezon City.

Halos maluping parang lata ang kotse nang mabangga ng NS Trans Bus na may plakang UVB 264 na may biyaheng Baclaran-SM Fairview sa bahagi ng Philcoa.

Ayon sa drayber ng kotse na si Leonardio de Cario, ihahatid niya sana sa iskwelahan ang kaniyang anak nang biglang may bumangga sa likuran ng kaniyang kotse.

Aminado naman ang drayber ng NS Trans Bus na si Samuel Abarasige na wala siya sa tamang linya at nagmamadali lamang  siya para makapag-boundary.

Bagamat hindi sasampahan ng kaso ang drayber ng bus, pagpapanagutin naman ito sa pagpapagawa ng nasirang kotse ng biktima.

Sa kabutihang palad wala namang nasaktan o namatay sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply