Bus sumalpok sa puno: 2 todas, 7 sugatan

DALAWA ang patay habang pito pa ang nasugatan matapos sumalpok ang isang pampasaherong bus sa isang puno sa Quezon kaninang umaga.

Dead on the spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Vicente Topino at Nikki Abad.

Isinugod naman sa ospital ang mga sugatang biktima na hindi nakuha ang mga pangalan.

Nakakulong na at sasampahan ng 2 counts ng kasong reckless imprudence resulting to homicide, 7 counts ng serious physical injuries at damage to property ang suspect na si Red Sevilla, bus driver ng Antonina Lines.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa Maharlika Highway sa Plaridel, Quezon.

Sa inisyal na ulat, nagmula sa Bicol at papuntang Maynila ang bus na minamaneho ni Sevilla.

Pagsapit sa isang matalim na kurbada, hindi napansin ni Sevilla ang pag-overtake ng kasalubong na isa pang pampasaherong bus at sa kanyag pag-iwas ay dumiretso sila sa isang puno na nasa highway.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply