Bus vs Isuzu Altera, 2 sugatan

SUGATAN ang dalawa katao makaraang salpukin ng Florida bus ang isang Isuzu Altera sa national highway sa Brgy. Bulag East, Bantay, Ilocos Sur.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok ng Florida bus na minamaneho ni Jackson Pagus Cenal, 37, ng Barangay Dalayap, Pinili, Ilocos Norte sa Isuzu Altera grabeng nasugatan ang driver nito na si Allen Venzon Favis, 46, may asawa, ng Brgy. Taleb, Bantay.

Sugatan din ang sakay ni Allen na si Leonardo Mabana Patubo, 43, na nakatira rin Barangay Taleb.

Nabatid na nag-overtake ang bus sa sinusundang traysikel na pahilagang direksyon nang eksaktong paparating naman ang isa ring traysikel kung kaya’t bumalik ang bus sa kanyang linya na siyang sanhi naman ng pagkabangga niya sa kotse.

Kasalukuyang ginagamot ngayon ang dalawang biktima sa Metro Vian Cooperative Hospital habang boluntaryong sumuko sa PNP-Bantay ang driver ng Florida bus.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply