Buwagin ang emperor ng droga sa Masambong, QC

NGAYON naman ay bigyan natin ng daan sa espasyong ito ang mga tulak ng West Riverside St., Brgy. Del Monte, Quezon City.

Ang mga tulak po sa lugar na yan ay hindi raw kayang paghuhulihin ng mga kapulisan ng Quezon City Police District (QCPD) dahil nagbibigay raw sila ng  payola sa Masambong Police Station 2  at sa PNP- Camp Caringal.

Aba‘yun naman pala, may payola naman pala ang kapulisan ng Masambong at Camp Caringal.

Totoo ba, Masambong PS2 Commander Supt. Pedro Sanchez, ang ipinamamalita ng mga tulak sa lugar mo na may payola ang tanggapan mo? Kung wala, kernel, ay ano pa ang ginagawa n’yo? Bakit hindi kayo kumilos?

Basahin po ninyo ang nilalaman ng text message ng  concerned citizen sa lugar ninyo.

Sir Johnny Magalona ng Juan de Sabog, magandang araw, sobrang dami nang mga adik at big-time na  tulak dito sa West Riverside St., Brgy. Del Monte Quezon City. Palaging may gulo sa aming lugar dahil sa droga at nadaramay tuloy ang mga anak namin.

Ipinagmamalaki pa ng mga adik at tulak na hindi sila puwedeng hulihin ng mga pulis  sa Masambong Police Station 2 at Camp Caringal   dahil sa nagbibigay raw sila ng pera para sa kanilang protekyon. Ang mga tulak po rito ay sina Ape, Arnold, Ontoy, Pangking, Titoy at ang mga mastermind nila na sina Kokong at  isang Bong.

Sana, Sir Johnny, tulungan ninyo kami na ipara-ting ang aming reklamo sa Philppine Drug Enforcement  Agency (PDEA).

ASTIG SA CIDG SA KOTONG?

Naku po, nasa Northern Police District-CIDG Sector na pala itong si Maj. Mag-daluyo na dating sa Cavite at nalipat sa QC.

Ubod talaga ng lakas ang mamang pulis na ito.

Pero wala raw ginawa ang mamang pulis na ito  kundi ang magpakolekta .

Anomang mga reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 0926671-9269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply