Buwan ng Wika at eskapo ni Rolito Go

HINDI dinukot, talagang tumakas si Rolito Go. ‘Yan, parekoy, ang hinala ng marami lalo na ang pamilya ng kanyang biktimang si Eldon Maguan.

Hindi natin kilala si Go, pero sa mga nakaaalam sa kalakaran sa loob… Hindi ito gagawin ni Rolito Go.

Sa mga nakukulong na ng mahabang panahon, kahit payagan mong tumakas mula sa “minimum o living-out” ay hindi nila gagawin.

Dahil ang 1 o 2 taon na kanilang hihintayin ay chicken feed lang kumpara sa maraming taon nilang tiniis.

Alam din nila na ang pagtakas ay nangangahulugan ng “conversion” na ang 1 taon na lang sana na paghihintay ay pinapalitan nila ika nga ng habambuhay na pagtatago!

‘Yun nga lang, parekoy, hindi maipipilit ni Go ang kanyang panig dahil sa kanyang ginawa noon nang tumakas siya mula sa Rizal Provincial Jail!

Sa nangyari, isa lang ang napatunayan ko kay Go, tumanda siya sa Bilibid pero hindi tinubuan ng “gulang!

Ang may pera sa “loob” na gustong makalanghap ng sariwang hangin sa minimum security, dapat ay “super ingat.”

Dahil madaling dukutin o patayin ang mga nasa minimum!

At ‘yan parekoy ang dapat tutukan ng Direktor ng Bucor.

Pagkat sobra ang kanilang luwag sa mga pumapasok at sa mismong mga nakatira sa buong “reserbasyon” ng Bureau of Corrections!

-o0o-

MARAMI ang hindi nakaaalam na ngayong Agosto ang “Buwan ng Wika.

Ngunit paano natin ito ipagdiriwang gayung halos marami ng salita ang nagsulputan at mga “in-na-in” ika nga?

Halimbawa, ang dating mga palamuti ay pinalitan ng ka-churvahan at ang pang-uuto ay mas sikat gamitin ngayon ang salitang chee-kah! Ang mapapel ay tinagurian ngayong ma-epal.

Ang salitang maganda ay napalitan na ng bongga.

Marami pang mga salita noon na bihira nang marinig ngayon. At isa, parekoy, sa pasimuno ng mga ka-eek-ekan na ‘yan ay ang kapatid ni PNoy na si Kris! Tamaaaa!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking prog-ramang “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 6-7am). Para sa inyong reaction: 09098992775

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply