Calamity fund ubos na

MAGANDANG pakinggan, Suki, ang sinasabi ng mga lokal na pamahalaan na binabaha.

Dumarami ang nagsasabi sa kanila na ubos na ang kanilang mga calamity fund.

Nakapagbigay na sa kanila ang Department of Social Welfare and Development ngunit hindi pa rin sapat iyon para tugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng baha.

Dahil tuloy-tuloy ang kalamidad sa kanila, lalo na ang mga pinamamahayan ng baha, umiiyak na sila sa paghingi ng tulong.

‘Yang gutom, Suki, ang pangunahin nilang problema.

Pero kakambal nito ang iba pang mga problema gaya ng masamang kalusugan, kahubaran, kawalan ng gamit sa pag-aaral ng mga bata at marami pang iba.

oOo

Malaki nang problema ang kalamidad.

Eh, hindi lamang baha, kasama na ang mga lanislayd, ang dumarating.

May mga sumusulpot pang iba gaya ng El Niño na maaaring darating gaya ng pinangangambahan na ng bansang Japan. Sa El Niño, sira  pangunahin ang mga pananim, kasama na ang palay at mais.

Iba pa ang mga kalamidad sa sakit at sunog.

Nagaganap ang lahat ng ito sa loob ng isang taon.

At paulit-ulit na nagaganap sa mga minamalas na lugar.

oOo

Dapat nang lingunin ng mga kinauukulan ang problemang kalamidad.

Sa ngayon, limang porsyento lang ng kabuuang badyet ng mga pamahalaan, lokal at nasyonal, ang pupuwedeng gamitin.

Nakararami, Suki, sa mga lokal na pamahalaan ang may napakaliit na calamity fund.

At sila ang umiiyak pagtama sa kanila ng kalamidad.

Sa puntong ito, dapat na muling tingnan ng mga kinauukulan ang batas para rito.

Panahon nang itaas ang halaga ng pondong pangkalamidad at bilisan ng mga mambabatas ang pagpasa ng pagbabago sa batas dito.

O kilos na!

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply