Camille Prats may Sam Milby na may director pang papa?

PORKE’T nakita lang minsan na kumakain sa isang class na resto sa The Fort itong sina Camille Prats at Sam Milby, binigyan na kaagad ng kulay ng ibang kasamahan natin sa panulat ang closeness ng dalawa.

Mabuti na lang at kaagad na nilinaw ng singer/actor na best of friends lang sila ni Camille dahil katropa ng hunk actor ang utol ng actress na si John Prats.
Pero after being linked to Sam ay sa director naman nila sa Luna Blanca na si direk Dominic Zapata (yes, siya ‘yung ex ni Krista Ranillo) inu-ugnay ng mga intrigero’t-intriga si Camille.

May chika pang nahuli raw na magka-holding hand ang mga ito sa set ng kanilang teleserye sa GMA 7. Well, for sure kung ‘yung kay Sam ay itinanggi ng nasabing actress, what more itong sa kanila ni direk Dom na in real life ay sweet lang naman daw talaga sa mga nakatatrabaho?

Saka ang promise ni Camille ay hindi raw muna siya mag-e-entertain ng mga manliligaw hangga’t hindi nagbabang luksa ang kanyang late husband.

Klarong-klaro gyud!

***

Manang Cristy Fermin, makasisira sa bonggacious na career ni Amy Perez!

TUWING nabibisita kami nila BFFT Pete A at friends forever (ff) Abe Paulite sa pabolosang office ni Sir Dhan C., parati naming naabutan roon ang longtime FF rin nitong si Sir Abet Perez na dakilang ama ng sikat na host ng Face ng Face na si Amy Perez. Wow! May ilang info kaming nasagap about Sir Abet.

Very secured na pala ang future ng lahat ng kanyang mga anak dahil naging masinop siya at marunong sa buhay. Yes, rich siya dahil hindi siya naging waldas sa kanyang mga kinikita.

At napag-uusapan na rin lang si Sir Abet, medyo nagulat lang ang inyong kolumnista kung bakit kailangan pang sumama ni Amy Perez kay Manang Cristy Fermin sa bagong showbiz talk show ng osla at orocanang TV host na Ang Luma! Ay! Ang Latest pala.

Kasi, stand-out na ang career ni tiyang Amy at siya ang itinuturing na Reyna ng TV5. So, parang hindi kami uma-agree na mag-join pa siya sa nasabing show na ngayon pa lang ay marami na ang humuhula na like Paparazzi and Juicy ay maaga itong matitigbak sa ere! One hundred percent sure!

Pwera na lang kung kagatin rin si Amy sa ganitong klase ng programa. Wait na lang kita gyud!

***

Be Careful With My Heart waging-wagi sa national at mega Manila ratings

ISANG malaking factor kung bakit nagtagumpay ang ABS-CBN sa kanilang attempt o experiment para ipalabas sa Prime-tanghali ang pinag-uusapan at pinanonood ng milyun-milyong Kapamilya viewers na kilig serye na Be Careful with My Heart ng bagong minamahal na Jodi-Papa Chen love team sa buong Pilipinas at iba’t-ibang panig ng mundo ay dahil nakare-relate ang masa sa istorya ng nasabing serye.

Say mo! maging ang mga belong sa alta sociedad sa Alabang at Forbes ay avid viewer na rin nito. Kwento ng pag- mamahal sa pamilya, mga alaga at pusong iibig muli umiikot ang istorya ng Be Careful with My Heart. At hit na hit rito ang yayang si Maya played by Jodi Sta. Maria at ang kanyang very strict na Sir Chief na ginagampanan naman ni Richard Yap aka Papa Chen.

Kahit nagbabangayan ang dalawa sa palabas ay nandoon ang chemistry nila kaya madali ring tinanggap ang kanilang labtim. Feel na feel rin ng lahat ang character rito ni Aiza Seguerra na nanay at may anak at hate ang lalaking nakabuntis sa kanya.

At performance level rin si Mamang portrayed by comebacking veteran actress Divina Valencia ganoon na rin sina Sylvia Sanchez bilang nanay nina Aiza at Jodi, at Gloria Sevilla bilang mayordoma ni Papa Chen. Magagaling rin ang tatlong anak rito ni Papa Chen na sina Mutya Orquia, Janella Salvador at Jerome Perez.

Kaya naman ang Be Careful with My Heart ay hindi lang sa Natio- nal Ratings (23.4%) wagi kundi sa Mega Manila o AGB Nielsen na pumapalo na sa 18.9% ang rating kung saan kina- kabog nito ang mga katapat programa.

Yes, tama ka! Ang nabanggit na kilig serye na ang Hari ng Daytime ngayon sa ABS-CBN 2. Sina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial ang mga direcor nito. Bravo and cheers to dat gyud!

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply