Campuses gawing hazing free zones – obispo

NANAWAGAN ang isang obispo sa mga eskuwelahan at unibersidad na magdeklara ng “hazing free “ zones sa kanilang campuses.

Inilarawan ni Episcopal Commission on Youth and Legazpi Bishop Joel Baylon, ang hazing na bayolente, hindi makatao at hindi kailangan sa mga eskuwelahan.

“Lives are being lost unnecessarily. These are useless deaths. And these are lives of young people full of dreams… Sasayangin lang sa hazing.” ayon pa sa obispo.

Sinabi pa ng obispo na plano nitong magpadala ng sulat sa mga Catholic schools sa pamamagitan  ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) upang ipagbawal na ang hazing at pagkakaroon ng fraternities.

Bagamat may batas na aniya na Anti-Hazing Law o republic Act No.8049 ay hindi naman ito mahigpit na naipapatupad.

“We have our Anti-Hazing Law. Walang ngipin ‘yun e (It does not have teeth)…The law should be seriously implemented,” paliwanag pa ni Bishop Baylon.

Batay sa Section 3 ng Anti-Hazing Law, “The head of the school or organization or their representatives must assign at least two (2) representatives of the school or organization…to be present during the initiation. It is the duty of such representative to see to it that no physical harm of any kind shall be inflicted upon a recruit, neophyte or applicant.”

Umapela rin ang obispo sa mga institusyon at indibiduwal na maging matalas ang pakiramdam kung paano pinahahamak ang dignidad ng isang tao sa kabila ng pagkakaroon ng samahang fraternities.

Dahil dito, inatasan na rin ni Baylon ang National Secretariat for Youth Apostolate (NSYA) na pag-aralan kung paano epektibong iendorso sa online ang adbokasiya sa anti-hazing law sa mga eskuwelahan at diocese.

Matatandaan na huling biktima na hazing ang San Beda College law student na si Marc Andrei Marcos matapos magtamo ng malalaking pasa at sugat sa katawan mula sa Lex Leonum Fraternity (LLF).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply