Canada nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Robredo

IPINAABOT na rin ng gobyerno ng Canada ang kanilang taos pusong pakikiramay sa sambayanang Pilipino at sa pamilyang naulila ni Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo.

Sa Kanyang mensahe, sinabi ni Canadian Ambassador to th Philippines Christopher Thornley, lubos din ang pakikiisa ng mamamayan ng Canada lalo na ang may 6,000 Pinoy na naninirahan sa nasabing bansa dahil sa biglaang papanaw ng isang mabuti at mahusay na opisyal ng Pilipinas.

Aalalahanin umano si Robredo, bilang isang pinuno na tumulong sa reporma sa pulitika sa pamamagitan ng pagiging isang inspirasyon sa mga tauhan ng gobyerno dahil sa pagiging matapat at dedicated sa trabaho.

Ayon kay Thornley, isang “Icon of change at good governance and kalihim dahil sa ipinakita nitong kantribusyon sa gobyerno, lalo na sa usapin ng transparency at democratic development, mga katangiang pinapahalagahan din ng gobyerno ng Canada.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply