Captain Bahinting nailibing na kahapon

BUMUHOS ang luha nang ihatid sa huling himlayan ang piloto na si Captain Jessup Bahinting na kasamang namatay ni Interior Secretary Jesse Robredo at student pilot na si Kshitiz Chand sa malagim na plane crash noong Agosto 18, sa Masbate.

Si Bahinting ay inilibing kahapon sa isang private cemetery sa Barangay Poblacion sa Ginatilan, Cebu na dinagsa rin ng may 500 katao kabilang ang kanyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan.

Isa sa nakipaglibing ay si dating senator Juan Miguel Zubiri, kaibigan ni Bahinting.

“There are a lot of things that Jessup did for others that he doesn’t want others to know,” ayon kay Zubiri.

Ikinalulungkot din ng dating senador ang kakulangan ng atensyon na inilaan kay Bahinting sa kabila ng pagiging mabuti nito para sa ibang tao.

Samantala, naiuwi na ang labi ng student pilot na si Kshitiz Chand sa Nepal noong Linggo.

Nagpapasalamat ang mga kaanak ni Kshitiz sa pamahalaan dahil sa matiyagang paghahanap sa labi ng student pilot.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply