Car insurance agent, kritikal, 3 sugatan sa holdap

NASA malubhang kalagayan ngayon ang isang ahente ng car insurance matapos itong holdapin ng tatlong kalalakihan sa tapat ng Land Transportation Office (LTO) na ikinasugat ng tatlo pang bystanders sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa pulisya, tinarget holdapin ng mga suspek na sina Mark Joseph Mercado, Ronnie Bergonia at Ronnie Zaragosa ang biktimang si Ricardo King sa tapat ng LTO office sa may Domingo Santiago St. sa nasabing lugar.

Sugatan din ang mga bystanders na sina Ronald Peres,35, Diego castro, 60, at reynor Dalida, 35.

Inagaw ng mga suspek ang dalang bag ng biktima bago ito binaril sa leeg saka sumakay ng isang tricycle papatakas.

Agad namang nakapagresponde ang mga awtoridad ng MPD-Station 4 at mga taumbayan at nakipaghabulan sa mga suspek patungong bahagi ng Ramon Magsaysay Boulevard sa Sta.Mesa, Maynila kung saan nagpaulanan naman ng bala ang mga suspek na ikinasugat ng tatlong bystanders .

Tumulong din sa pagresponde ang tauhan ng MPD-Sta.Mesa station kung saan nasukol ang mga suspek.

Narekober sa mga ito ang isang granada, dalawang baril at 12 magazine na puno ng mga bala.

Nakakulong na ngayon ang tatlong suspek sa MPD-Station 8 at nahaharap sa kasong frustrated homicide, robbery at illegal possession of firearms and explosives.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply