Car show room nasunog sa Kyusi

NATUPOK ang isang Nissan Patrol makaraang magkasunog sa isang car showroom sa D. Tuazon, Quezon City kagabi.

Hinihinalang nagmula ang apoy sa tulugan ng mga bantay na nasa itaas lang ng opisina ng establisimyento.

Itinaas sa ikalawang alarma ang sunog na nagtagal ng 30 minuto at masuwerte namang nailabas agad ang mga mamahaling sasakyan ngunit hindi nakaligtas sa apoy ang isang Nissan Patrol.

Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad.

Inaalam din kung magkano ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply