Carabuena binato ng bote sa MMDA

BINATO ng bote ng mineral water si Robert Blair Carabuena nang pumunta ito sa Metro Manila Development Authority upang humingi ng public apology sa isang press confrence.

Hindi mapigil ang inis ng isang hindi nakilalang lalaki ng makita si Carabuena sa MMDA compound at binato ito ng plastic na bote na ikinagulat ng mga nakasaksi.

Dahil sa nangyari humingi si Carabuena ng dagdag na security personnel sa MMDA upang makaiwas sa mga nagtatangkang manakit sa kanya.

Sinabi ni Carabuena na hindi na siya matahimik dahil sa mga tinatanggap na banta sa kanyang buhay simula nang lumabas ang video ng kanyang pananakit sa MMDA traffic enforcer na si Sonny Fabros na naging sanhi ng public outrage sa kanya.

Si Carabuena ay nagtungo sa opisina ng MMDa upang humingi ng tawad sa ahensya at sa sinaktang traffic enforcer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply