Carabuena nag-sorry na sa traffic enforcer, MMDA

HUMINGI na ng kapatawaran si Robert Blair Carabuena sa sinapak na traffic enforcer na si Sonny Fabros at sa Metro Manila and Development Authority (MMDA).

Nagtungo sa tanggapan ng MMDA si Carabuena at binasa sa harap ng mga tauhan ng ahensya ang inihandang mensahe ng paghingi ng kapatawaran.

Sa kanyang mensahe, inamin ni Carabuena na hindi maganda ang kanyang inasal noong August 11, kung kailan nasaktan niya nang pisikal at verbal si Fabros.

Sinabi rin ni Carabuena na handa siyang harapin ang mga kasong inihain laban sa kanya at iginiit na wala siyang balak na takasan ang mga ito.

Tinanggap naman ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang paghingi ng patawad at sinabi na hindi dapat tularan ang ginawa ni Carabuena noong August 11.

Sa mga oras na ito, wala pang pahayag ang panig ni Fabros.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply