Carabuena pinagsusumite ng counter affidavit hanggang Setyembre 10

PINAGBIGYAN ng pulisya ang kampo ni Robert Blair Carabuena, ang motoristang nanakit sa traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA )na si Sonny Fabros, hinggil sa kabiguan nitong magsumite ng kanilang counter affidavit.

Ayon sa abogado ni Carabuena, nalito lang kasi sila kung sa LTFRB head office o NCR sila dapat magsumite ng kontra-salaysay dahil dalawang subpoena ang natanggap para sa lisensya ng akusado.

Binigyan ng pulisya ng hanggang Setyembre 10 si Carabuena para magsumite ng counter affidavit sa NCR office na pinaghainan ng MMDA ng kasong administratibo laban dito.

Maalalang umani ng batikos si Carabuena sa mga social networking sites, kagaya ng Twitter at Facebook matapos kumalat ang video sa ginawa nitong pagmumura at pananampal kay Fabros.

Nabatid na kahit nag-public apology na ang akusado, tuloy pa rin ang kaso ng MMDA laban dito pero hindi nito sinipot ang unang pagdinig.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply