NCAA men’s basketball: Cardinals pinasabog ng Heavy Bombers

PINASABOG ng Jose Rizal University Heavy Bombers ang Mapua Cardinals, 63-60 upang makisosyo sa second spot ng team standings sa nagaganap na 88th season ng NCAA men’s basketball tournament sa San Juan Arena kahapon.

Tumitibay ang asam na makapasok sa Final Four ang JRU ng habulin nila ang anim na puntos na kalamangan, 54-60 ng Mapua may 5:51 minuto na lang sa payoff period.

Ang Matinding depensa ng Heavy Bombers ang naging dahilan kaya napuwersa ang Cardinals na magmintis sa kanilang mga tira.

Kasalo ng JRU ang last year’s runner up San Sebastian College Stags na may tig-8-3 panalo-talo karta habang mag-isa sa unahan ang defending champion San Beda College Red Lions tangan ang 9-2 card.

Umaangat naman ang host Letran Knights ng kaldagin nila ang Perpetual Help Altas, 62-57.

Malaking bagay para sa Knights ang pagkakapanalo sa Altas dahil isang laro na lang ang agwat nila sa team standings.

Nasolo ng Intramuros-based Letran ang panglimang puwesto bitbit ang 6-5 win-loss slate habang nasa fourth spot pa rin ang Altas hawak ang 7-4 karta.

Namarako ng 17 markers, six rebounds, at four assists si John Lopez habang nag-ambag si Nate Matute ng 10 points para sa Heavy Bombers.

Sina Kevin Alas at Mark Cruz naman ang nanguna sa opensa para sa Knights na may tinikadang tig-13 markers.

Humarabas naman sa rebound ang pambatong sentro ni coach Louie Alas na si Raymond Almazan na may 15 at tig-apat naman sa puntos at blocks.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply