Carlo J, Donna, kinasuhan ni Rizal Alih sa esksenang pagpugot ng ulo sa 1991 film

KINASUHAN ng nakaditine at dating pulis na si Rizal Alih si Direk Carlo J. Caparas at misis nitong si Donna Villa dahil sa isang eksena sa 1991 film na nagpapakita na pinupugutan niya ng ulo ang isang ranking police official noong dekada 1980s.

Kahapon, isinampa ni Alih ang kasong libelo laban sa mag-asawang filmmaker at sinabi na ang pelikula na kanilang ginagawa ay base sa tunay na buhay at malisyosong ipinakita rito na siya ay isang mamamatay-tao.

Paliwanag ni Alih na nalaman na lamang niya ang pelikulang “Arrest Patrolman Alih: Zamboanga Massacre” nito lamang nakaraang taon matapos ipaalam sa kanya ng pulis na gumaguwardiya sa kanyang selda. Si Alih ay nakakulong sa Camp Crame simula pa noong 2006.

Ipinahiram naman ng naturang pulis sa kanya ang laptop nito para mapanood niya ang nasabing pelikula sa YouTube. “I was indeed so shocked, speechless and angry that I was not able to finish watching the entire film,” pahayag pa ni Alih.

Nahaharap si Alih sa kasong 1989 siege sa Camp Cawa-Cawa sa Zamboanga City, na nag-iwan ng ilang bilang ng patay na kanyang supporters at dalawang top police officials.

Sa kanyang complaint na isinampa sa pamamagitan ng kanyang abugadong si Fernando Pena sa Quezon City Prosecutors’ Office, sinabi ni Alih, 67-anyos, na ipinakita sa pelikula na pinugutan niya ng ulo si Gen. Eduardo Batalla sa naturang siege.

“The portrayal that I allegedly beheaded Batalla in the movie was utterly baseless, malicious and a downright lie perpetrated in order to make the movie such a big hit and to make a huge profit at the expense of maligning my name and reputation,” pahayag pa ni Alih.

“I was likewise informed that the said film … became a blockbuster movie,” saad pa ni Alih sa kanyang affidavit. “The only way we can rewrite history is file this case in hopes of rectifying a decades-long error,” pahayag naman ni Pena.

Ang naturang pelikula ay pinagbidahan ng mga beteranong aktor na sina Ramon Revilla Sr. bilang si Rizal Alih, Eddie Garcia bilang si Batalla at Vilma Santos na lumabas bilang misis ni Alih.

Sinabi rin ni Alih na hindi hiningi ng mag-asawang Caparas at Villa ang kanyang pahintulot o konsento sa paggawa ng nasabing pelikula.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply