Casualties ni Gener inilabas ng NDRRMC

SUMIRIT na sa dalawampu’t anim ang iniulat na namatay bunga ng pananalasa ng  bagyong Gener bago lumabas  ng bansa.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, karamihan sa mga casualty ay dahil sa pagkalunod at pagkadagan ng mga nabuwal na punong kahoy.

Umabot din sa kabuuang 101,844 families o 475,874 individual  ang naapektuhan ng hagupit ng bagyo mula sa 647 barangay sa tatlumpung (30) lalawigan sa buong bansa.

Kaugnay nito, inilabas ng NDRRMC ang official list ng mga casualty:

Sa Cordillera Administrative Region:
1. Prisca Pacyaya, 64, ng Itogon, Benguet, na-landslide

2. Clinton Idio, 15, ng Copongga, Tublay, landslide
3. Efren Forawit, 34, ng Sadang, Mountain Province, nalunod

Sa region 3
1.  Angelito Bicoy, 59, nalunod sa Mariveles, Bataan
2.  Efren Salvacion, 41, ng Obando, Bulacan, nalunod
3.  Patrick dela Rosa, 12, ng Marilao, Bulacan, nalunod
4.  Leyan Hayo, 28, ng Mariveles, Bataan, nalunod

Sa region 4-A (CALABARZON)
1. Teodoro Flores, 40, ng San Pablo City, Laguna, nabagsakan ng puno
2. Bernald Buzon, 35, ng Tanza, Cavite, nalunod
3. Maria Datingginoo, 45, ng Tingloy, Batangas, nalunod
4. Danieles Hipoloto, 32-35, ng Bacoor, Cavite, nakuryente

Sa region 4-B (MIMAROPA)
1. Mariel Manzano, 11, ng San Agustin, Romblon, nabagsakan ng puno
2. Edna Ibañez, 40, ng Cajidiocan, Romblon, nabagsakan ng puno

Sa region 6 (Western Visayas)
1. Ronald Necor, 33, ng Bugasong, Antique, nalunod
2. Ricardo Eduque, 37, ng Dao, Capiz, nakuryente
3. Mary Jane Lima, 24, Silay City, Negros Occidental, nabagsakan ng puno
4. Madeline Caminade, 48, Arevalo, Iloilo City, nabagsakan ng puno

Sa Region 7
1. Emelia Pasugiron, ng Bayawan City, Negros Oriental, nabagsakan ng puno
2. Andrei Pasugiron, ng Bayawan City, Negros Oriental, nabagsakan ng puno
3. Fernando Rellon, 3, Catigbian, Bohol, nadaganan ng puno
4. Jury Betaganzo, ng Gatafe, Bohol, nadaganan ng puno
5. Maylin Betaganzo, ng Gatafe, Bohol, nadaganan ng puno

Sa region 9
1. Renante Cimafranca Jauculan, 10, ng Dipolog City, Zamboanga del Norte, nalunod

Sa region 10
1. Augusto Campo, ng Kinoguitan, Misamis Oriental, nabagsakan ng puno

Sa ARMM
1. Laga Gani Toni, 38, ng Kabuntalan, Maguindanao, nalunod
2. Datu Toni, Jr., 1-taon, anak ni Laga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply