CBCP bukas sa pakikipagdayalogo sa mga ADMU prof

BUKAS ang maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pakikipagdayalogo sa mga professor ng Jesuit-run na Ateneo De Manila University (ADMU) na una nang nagpahayag ng suporta sa Reproductive Health (RH) bill, na mariin namang tinututulan ng Simbahang Katoliko.

Ginawa ni CBCP President at Cebu Archbishop Jose Palma ang pahayag kasunod nang ipinalabas na statement ni ADMU president Fr. Jose Ramon Villarin na nagsasabing kaisa pa rin ng simbahan ang ADMU laban sa RH bill.

Ayon kay Palma, bukas sila sa dayalogo sa mga pro-RH bill na Ateneo professors dahil silang lahat umano ay bahagi ng simbahan at pawang responsable sa kanilang aksyon.

“We are willing to meet other people with dialogue,” ani Palma, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Sa kabila naman nito, nanindigan si Palma na bilang Catholic University, dapat na suportahan ng ADMU ang official teachings ng simbahan.

“For me, there’s really a need for a sincere dialogue because the professors, I think must be motivated by their desire to discover what is good,” pahayag pa ni Palma.

“They are part of the Catholic university and they should obey the mission and vision and not contradict the teachings,” giit pa niya.

Una nang sinabi ni Palma na maaari nilang tanggalan ng affiliation ang mga Cathlolic school na lalabag sa moral at katuruan ng simbahan.

Pinayuhan naman ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ang mga guro sa mga Catholic School na hindi sumusunod sa polisiya nito na umalis o magbitiw na lamang.

“Kung nasa morality tayo ay susunod tayo ayon sa nagtuturo sa ating Simbahan. Kaya nga ito intellectual honesty, kung sumasang-ayon ka sa ganyang katuruan ay okey lang! Kung hindi ka sumasang-ayon ay lumabas ka sa grupo kasi ‘di ka sumusunod sa katuruan,” aniya pa. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply