CBCP: Imahe ni Blessed Calungsod ililibot

INIHAYAG ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na bibisita sa iba’t ibang diocese sa bansa ang imahe ni Blessed Calungsod matapos ang kanyang kanonisasyon na nakatakdang isagawa sa Roma sa Oktubre 21.

Ayon kay CBCP Assistant Secretary General Fr. Marvin Mejia, ilang araw matapos ang canonization ni Calungsod ay kaagad itong ibabalik sa Maynila para naman bumisita sa iba’t ibang diocese bago ang National Thanksgiving celebration sa Cebu.

Sinabi ni Mejia na ang official image ni Calungsod ay iuuwi sa Oktubre 25 upang simulan ang ‘Duaw Nasud’ o ang Nationwide Visit ng estatwa sa mga diocese sa buong bansa.

Inaasahan ring magkakaroon ng motorcade mula sa airport patungo sa Manila Metropolitan Cathedral para sa kaukulang turn-over marking at pagsisimula ng ‘Duaw Nasud.’

“For the first night, the image will be in the University of Sto. Tomas (UST). The statue will visit some dioceses in the National Capital Region (NCR) such as the Archdiocese of Manila, Dioceses of Parañaque, Pasig, Cubao, Antipolo and Caloocan before it will visit dioceses in Northern Luzon down to the Bicol Region,” ani Mejia.

Sa Oktubre 31 naman, ang imahe ay dadalhin sa Villamor Airbase kung nasaan ang Military Ordinariate  bago ito tuluyang ibiyahe sa Vigan sa Nobyembre 2. Mula Vigan, magtutungo ito sa Legazpi bago bumiyahe sa Visayas at Mindanao kung saan ito mananatili mula Nobyembre 13 hanggang 27.

Ibabalik ang imahe sa Cebu sa Nobyembre 27 kasabay nang pagsisimula ng Triduum Masses para sa nalalapit na National Thanksgiving sa Nobyembre 30.

Ipinaliwanag ni Mejia na ang ideya ng pagbisita ng imahe sa mga diocese ay may layuning ibahagi si Calungsod sa mga Pinoy at isulong awareness sa santo.

Hindi naman umano lahat ng diocese ay mabibisita ni Calungsod dahil sa time limitation.

“The original plan was to visit the four ecclesiastical territories in the year 1862, but many dioceses are sending their invitation for the image to visit their diocese. So we cannot accommodate all the dioceses because of the little time we have prior to the National Thanksgiving celebration,” ani Mejia.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply