CBCP kay Sereno: Panatilihin ang judicial independence

NANAWAGAN ang mga Catholic bishops kay newly-installed Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na i-preserba ang judicial independence sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Ayon pa sa mga Obispo, dapat na isulong at panatilihin ang ‘division of powers’ ng hudikatura, ehekutibo at lehislatura, na nakasaad sa Konstitusyon.

Ang panawagan ay ginawa ng mga Obispo kasunod nang mga haka-hakang magiging ‘tuta’ o sunud-sunuran si Sereno kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III na siyang nagtalaga sa kanya sa puwesto.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, umaasa siyang hindi magiging Aquino chief justice si Sereno.

“My only hope is that she will not become an Aquino chief justice. There should be independence in her judgment,” giit pa ni Pabillo.

Nanawagan rin naman si Pabillo sa publiko na maging vigilante sa mga aksiyon ni Sereno partikular na ang may kinalama sa Hacienda Luisita, ang sugar plantation sa Tarlac City na pagma-may-ari ng pamilya Aquino.

“We are hoping that she will favor on what is for the common good especially the poor and not those who are rich and powerful,” ani Pabillo.

Sinabi naman ni retired Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na halu-halo ang kaniyang nararamdaman sa pagkakaupo ni Sereno sa puwesto.

“Frankly, on one hand I’m sad and on the other hand I’m happy,” ani Cruz.

Sinabi pa ni Cruz na nalulungkot siya dahil binalewala ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang practice ng pagtatalaga ng senior chief justice at bunsod na rin ng mga hinala hinggil sa pagiging tapat ni Sereno sa pangulo at hindi sa isinasaad ng batas at pangangailangan ng tao.

“First, is the fact that the practice of appointing a senior chief justice was altogether disregarded by the president. Two, I feel sad because there are suspicions about her fidelity towards the president and not to what the law says and what people need,” paliwanag pa ni Cruz.

“In a way, I’m very happy because she has a lot of time to prove herself in terms of making the administration of justice faster that it is now which is a primary concern and agenda for her as chief justice,” aniya.

Umaasa rin naman si Cruz na ang mga negatibong impresyon kay Sereno ay magiging positibo rin kung magiging epektibo siyang lider ng judicial branch ng pamahalaa

Sa panig naman ni Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, sinabi nito na dapat na mabigyan ng pagkakataon si Sereno na patunayang isa siyang mabuting punong mahistrado ng Korte Suprema.

Matatandaang si Sereno ang magiging kauna-unahang babaeng Chief Justice ng bansa at siya ring kauna-unahang appointee ni PNoy sa Supreme Court matapos na ma-impeached sa puwesto si dating Chief Justice Renato Corona.

Sa edad na 52, may 18 taon si Sereno upang mamuno sa SC bago tuluyang magretiro.
Dahil dito, si Sereno na rin ang maituturing na longest-serving Chief Justice.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply