CBCP nagbabala sa mga Catholic schools

NAGBABALA si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Cebu Archbishop Jose Palma sa mga Catholic school at iba pang institusyon na maaaring alisan ng affiliation ng Simbahang Katoliko o hubaran ng Catholic identity na lalabag sa turo ng simbahan, partikular na sa isyu hinggil sa buhay.

Ayon kay Palma, ang isang Catholic school ay hindi dapat magturo ng mga bagay na taliwas sa turo ng simbahan.

Aniya, maaari nilang alisan ng affiliation at hubaran ng Catholic identity ang isang Catholic school at iba pang institusyon kung lalabag ito sa ethical at religious directives nito.

“If we are a Catholic school, we should not teach anything contrary to the official teaching of the church,” giit pa ni Palma.

Ang pahayag ni Palma ay kasunod ng ulat na may 160 professors ng Ateneo De Manila University (ADMU) ang hayagang nagpahayag ng suporta sa pagpasa ng Reproductive Health (RH) bill, na mariing tinututulan ng simbahan.

Nilinaw naman umano ng mga professor na hindi sila nagsasalita para sa Ateneo institution, kundi nagpapahayag lamang ng kanilang personal na posisyon sa isyu.

Sa panig naman ng ADMU, na isang Jesuit at Catholic university, iginiit rin nito na patuloy silang naninindigan kasama ang CBCP at ang Philippine Province of the Society of Jesus.

Inamin din naman ni Palma na may may pagkakaiba sa paniniwala ng simbahan at ng ilang guro ng mga Catholic school.

Gayunman, sinusubukan muna umano nila itong maresolba sa pamamagitan ng dayalogo.

“In some places, we first talk to them because some teachers may have some misunderstanding of what they think of freedom of conscience or academic freedom,” ani Palma.

“In some of the universities, we say that if you want to teach that idea, do not do it in a Catholic school because we are confusing the students… do it in other universities,” aniya pa.

Binigyang-diin pa ng CBCP official na ang motibo kung bakit ipinapasok ng mga magulang ang kanilang mga anak sa isang Catholic school ay dahil sa faith formation at sa paniniwalang matututo ang mga ito ng Catholic teaching.

“It will be a contradiction if we will bombard them with ideas which are against the official teachings of the Catholic faith,” paliwanag pa ni Palma.

Noong nakaraang buwan lang, binawi ng Vatican ang Catholic identity ng Pontifical Catholic University of Peru, dahil sa ilang polisiya nito na hindi compatible sa disiplina at moral ng simbahan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply