CBCP nakiramay sa mga naulila ni Robredo

MAGING ang buong pamunuan ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay nakiramay sa mga naulila ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Sinabi ni CBCP President at Cebu Archbishop Jose Palma na lagi nilang aalalahanin ng may pasasalamat si Robredo dahil sa mga kabutihang nagawa nito para sa bansa.

Ipinapanalangin din ng buong CBCP si Robredo at ang kaniyang pamilya upang malampasan ng mga ito ang pinagdaraanang trahedya.

“We will always remember with gratitude Secretary Jesse Robredo. At this moment it is in this spirit of trust who are praying for him and of course for his family. We entrust secretary Robredo in your hands Lord. We believed your plan is good and it’s truly happened.” bahagi ng pahayag ni Palma sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Ayon naman kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, maipagkakapuri ng kanyang pamilya si Robredo dahil sa matuwid nitong pagkatao at walang bahid na pagganap sa kanyang tungkulin para sa bansa.

Umaasa rin ang arsobispo na tutularan ng kanyang mga kapwa public official ang ginagawang tunay na paglilingkod ni Robredo sa bansa.

Sa panig naman ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, sinabi nito na malaking kawalan sa pamilya at sa bansa ang pagpanaw ni Robredo, na isang modelo at dakilang public servant.

Umaasa rin si Pabillo na makakukuha pang muli si Pangulong Benigno Aquino III ng isang Gabinete na tulad ni Robredo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply