CBCP-NASSA nagbigay ng donasyon para sa relief operations

NAGLABAS ng may P850,000 na pondo ang National Secretariat of Social Action, Justice and Peace (NASSA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para itulong sa mga nabiktima ng bagyong Gener at ng malawakang pagbaha dahil sa habagat sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.

Ayon kay NASSA executive secretary Fr. Edu Gariguez, kabilang sa mga nabiyayaan ng pondo ay ang Archdiocese of San Fernando sa Pampanga na napagkalooban ng P250,000 at Diocese ng Antipolo na nabigyan ng P250,000.

Nabigyan naman ng P150,000 ang Diocese ng Iba sa Zambales;  P100,000 para sa Diocese ng Alaminos at P100,000 sa San Pablo, Laguna.

Nabatid na gagamitin ng mga archdiocese at dioceses ang pondo para sa kani-kanilang relief operations.

“The fund was sourced from the Alay Kapwa 2012 fund campaign’s P2,384,718.62 collection,” ani Gariguez.

Samantala, umapela naman si NASSA chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa kaniyang mga kapwa Obispo na tulungan silang pondohan ang emergency response.

Sinabi ni Pabillo na ang pondo ng Alay Kapwa na kanilang ginagamit sa ngayon ay maliit lamang at hindi sapat para tugunan ang ganito katinding kalamidad kung saan libu-libong pamilya ang naapektuhan.

Nanawagan din si Pabillo sa mga taong nais na magbigay ng donasyon sa NASSA na maaari ideposito sa Bank of Philippine Islands sa ilalim ng account name na CBCP Caritas Filipinas Foundation, Inc. at may account number na 4951000781-08.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply