CCT bigong maiahon ang mahihirap na pamilya

BIGO diumano ang conditional cash transfer program ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino na iahon ang maraming pamilya mula sa kahirapan.

Ayon Gabriela Women’s Party, ito ay dahil tumaas ang bilang ng mga inang namamatay dahil sa panganganak sa taong 2011, base sa ulat ng National Statistics Office.

Ayon kay Gabriela Representative Emmi de Jesus, ang pagtaas ng bilang na ito ay nagsasabing hindi tumatalab ang program ng gobyernong Aquino laban sa kahirapan sa kabila ng plano na dagdagan pa ang pondo rito.

Magkatunggali umano ang pamumudmod ng abuloy sa mga mahihirap sa patakaran naman ng pamahalaan na ibaba ang tantos ng kahirapan ng mamamayan mula sa limapu’t dalawang piso patungong apatnapu’t anim na piso kada araw.

Hindi ang limos ang kailangan ng mga maralita kundi nakabubuhay at permanenteng trabaho, ayon pa kay De Jesus.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply