Cebu Pacific nagkansela ng flights

NAGKANSELA ng dalawang domestic flights ang Cebu Pacific sa southern Luzon dahil sa masamang lagay ng panahon.

Ayon sa ulat ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Media Affairs, agad na kinansela ang flights para sa kapakanan ng mga maglalakabay na pasahero patungong lalawigan.

Kabilang sa mga naapektuhang biyahe ang manggagaling ng Maynila patungong San Jose, Occidental Mindoro at pabalik.

Sa ngayon, wala pa namang inihahayag na iba pang flight cancellations ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) maliban sa Cebu Pacific.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply